Kalabaw, nakipagsabayan sa selfies ng kanyang amo - The Most Popular Lists

Breaking

Kalabaw, nakipagsabayan sa selfies ng kanyang amo


Kaagapay ng mga magsasaka ang kalabaw dahil tumtulong ito sa kanila sa pag-aararo sa palayan o tagapaghila ng kariton.  Maaari rin itong pagkunan ng gatas.

Likas itong masipag, matiyaga at malakas kung kaya’t inihahalintulad ito sa katangian ng Pilipino. Tahimik lang ang kalabaw. Nag-iingay lang ito kapag nabubulabog.

Ngunit nakakita ka na ba ng kalabaw na makuwelang nakikipag-selfie sa kanyang amo? Sa post ng Facebook page na Magsasaka Mabuhay ka, isang larawan ng nakakatuwang selfies ang iyong matutunghayan. Ang kalabaw ay tila nakangiti rin at marunong gumaya sa itsura ng kanyang amo.


Napabilib ang mga netizens sa pambihirang pagkakaibigan ng kalabaw at tao. Ayon sa ilang komento: “Nagpapastol din ako ng kalabaw.  Laking tulong yan sa atin, mga ka farmer,  Kaya lang di natin mabilhan ng brief man lang. Haha.”

Imahe via Magsasaka Mabuhay ka | Facebook

“Ganyan talaga pag bagong butas ang Ilong ng kalabaw. Kailangang lambingin mo para hindi magtampo.


“Kung mahal mo ang alaga mo mabait din sila sa inyo. Naglalambing din o nanghahalik sa leeg.”

“Magkamukha na. Haha. Joke, Galing! Ganyan sana lahat mapagmahal sa hayop.”

Akala natin mga aso at pusa lang puwedeng makipagsabayan sa atin sa social media. Magagawa rin pala ito ng ating pambansang hayop.

Ngayon, dahil sa mga modernong pasilidad sa pag-aararo, kaunti na lang ang gumagamit ng kalabaw. Unti-unti na ring bumababa ang populasyon nila. Mabuti na lang at nagkaroon ng pagpapahalaga at pamamaraan ang ating pamahalaan upang mapigilan ang pagkawala ng kanilang lahi.


Naisabatas ang Republic Act No. 7307 o The Philippine Carabao Act of 1992. Layuning nitong maparami at mapangalagaan ang mga kalabaw. Base sa data noong Hulyo 2019 1 nasa 2.87 million ang populasyon ng kalabaw sa Pilipinas.

Imahe via Magsasaka Mabuhay ka | Facebook

May mga kyut ba kayong selfies kasama ang inyong mga alagang hayop? Ibahagi naman ninyo sa amin.

Found this article interesting? Share it with your friends! πŸ‘πŸΌ

This article first appeared on

No comments:

Post a Comment

Enjoyed this article?

We appreciate any amount of donation to keep the inspiring stories coming from our team! πŸ™