Pinas, Kumita ng KALAHATING BILYON dahil sa SEA Games! - The Most Popular Lists

Breaking

Pinas, Kumita ng KALAHATING BILYON dahil sa SEA Games!


Ibinunyag ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kumamada ang Pilipinas ng higit kalahating bilyong piso (₱525 million) dahil sa pagdaraos ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa.


Ang pigura ay mula lamang sa mahigit 7,000 delegado na galing sa iba’t ibang bansa. Ayon sa kalihim, inaasahang mas malaki pa raw ang kikitain ng Pilipinas dahil mananatili at mamamasyal sa iba’t-ibang tourist destinations ng Pilipinas ang karamihan sa mga delegado.


Magugunita na bago nagsimula ang SEA Games ay pinukol ito ng iba’t-ibang isyu. Mula sa P50 million cauldron na inaangal ni opposition senator Frank Drilon hanggang sa pagbanat ng mga kritiko sa preparasyon ng SEA Games organizers.


Matatandaang nagbalita rin ang ilang mainstream media outfits ng mga ulat na nakasisira sa imahe ng SEA Games na kalaunan ay napagalaman na hindi totoo. Tulad na lang ng litrato ibanahagi ng Inquirer tungkol sa diumano’y football stadium na gagamitin sa BiΓ±an.


Sa ulat ng Inquirer, ginamit nila ang litrato ng under renovation na UP footaball stadium. Ang maling impormasyon na ito ay nakarating sa kaalaman ng BiΓ±an Information Office at tinawag agad ang atensyon ng media company. Dahil sa pagkakamali ay humingi ng paumanhin ang Inquirer.


Iniulat din ng ilang network ang diumano’y kikiam na inihain sa mga atleta na kalaunan ay nilinaw ng partner hotel na chicken sausage. Magugunita na noong pumutok ang balita tungkol sa kikiam ay hindi agad kinuha ng media ang panig ng Whitewood hotel. Nalaman lang ng taumbayan ang katotohanan nang maglabas ng pahayag ang naturang establisiyento sa kanilang social media account.


Nag-viral din ang video ng ABS-CBN reporter na si Angel Movido kung saan makikita ang isang cubicle sa Rizal Memorial Complex na may dalawang toilet. Dahil sa video, inulan ng sari-saring batikos ang mga organizers. Ang video ng mamamahayag ay pinabulaanan ng Philippine Sports Commission (PSC).


Photo on the right is actual photo taken today, November 27 of the said comfort room at Ninoy Aquino Stadium.” paglilinaw ng PSC.


Sa kabila ng mga hindi magandang impormasyon na kumalat sa media, naging matagumpay naman ang opening ceremony ng SEA Games. Magugunita na pinuri pa ito ng Olympic Council of Asia at naparangalan pa ang Pilipinas bilang “Best SEA Games Organizer”.

Found this article interesting? Share it with your friends! πŸ‘πŸΌ

This article first appeared on Citizen Express.

No comments:

Post a Comment

Enjoyed this article?

We appreciate any amount of donation to keep the inspiring stories coming from our team! πŸ™